sa una palang kitang nakita, puso ko ay nabihag mo na.
naghahangad na sanay tayoy magkakilala, upang tayoy magkalapit pa.
nang itoy mangyari na, ako ay lubos na nagng masaya.
lumipas ang mga panahon na tayoy magkasama,
mga ala-alang di ko lubos maisip na nangyari pala.
tawanan, iyakan, at iba pa,
nagawa na nating magkasama.
sa mga panahon na lumipas, hindi namn ako manhid para di ko madama.
iyong pagmamahal sa kin twina, nababatid ko na.
at sakin itoy nabibigay ng saya.
ngunit bakit sinta
nang kitay ipinakilala
sa kapatid kung sinta
iyong pagmamahal sakin
napunta lahat sa kanya.
sandaling panahon na kayoy nagkakilala.
parang katumbas lng ng mga panahong tayoy nagkasama.,
ngayon sarili ko ang sinisisi,
kung bakit ba ito nangyari.
kung hindi ko kayo ipinakilala sa isat isa
sanay hindi kayo ngayon magkasama.
at ako dito ay nag-iisa
ngunit dahil kayong dalawa sa akin ay sinta,
di nalang ako sa inyo makiki-alam pa
kakalimotan ang nadarama ko sayo sinta
upang kayoy maging maligaya.
sanay d ninyo sayangin,
pagkakamaling aking nagawa,
upang di naman masayang,
aking pagbabalewala.